Saan Boboto (Mga Lokasyon at Mga Iskedyul)
Proseso ng Maagang Pagboto (Pareho ng sa Araw ng Halalan)
Pangangampanya / Pamamahayag / Mga Petisyon sa mga Lugar ng Maagang Pagboto
Datos
Iskedyul ng Maagang Pagboto ng Koponan
Ang Balota para sa Pangkalahatang Halalan ng 2024
Pangkalahatang Impormasyon
Mga Tanong sa Balota sa Detalye, Kasama ang Mga Bersyon ng Audio at Buong Legal na Teksto
MGA TANONG SA BALOTA NG ESTADO
TANONG NG ESTADO NUM. 1
Pagamyenda sa Konstitusyon ng Nevada
Pinagsamang Resolusyon ng Senado Num. 7 ng ika 81 Sesyon
Dapat bang amyendahan ang Konstitusyon ng Nevada upang alisin ang ilang probisyon na namamahala sa Lupon ng mga Rehente para sa Sistema ng Mas Mataas na Edukasyon ng Nevada at ang pangangasiwa nito sa Estadong Pamantasan at ilang pondo mula sa federal land grant at upang magbigay ng karagdagang pangangasiwa ng lehislatura sa mga pampublikong institusyon ng mas mataas na edukasyon sa pamamagitan ng regular na independiyenteng mga audit, nang hindi binabawi ang kasalukuyang proseso ng halalan ayon sa batas o iba pang umiiral na probisyon ayon sa batas na mayroong kaugnayan sa Lupon ng mga Rehente?
ANONG NG ESTADO NUM. 2
Pagamyenda sa Konstitusyon ng Nevada
Pinagsamang Resolusyon ng Asembliya Num. 1 ng Ika 81 Sesyon
Dapat bang amyendahan ang Seksyon 1 ng Artikulo 13 ng Konstitusyon ng Nevada upang: (1) baguhin ang paglalarawan ng mga taong nakikinabang mula sa mga institusyon na kinakailangang alagaan at suportahan ng Estado; (2) palitan ang terminong “mga institusyon” ng “mga entidad”; at (3) magdagdag ng mga entidad para sa kapakinabangan ng mga taong mayroong intelektwal o kaunlarang kapansanan sa mga uri ng mga entidad na kinakailangang alagaan at suportahan ng Estado?
Dapat bang amyendahan ang Konstitusyon ng Nevada upang pahintulutan ang lahat ng mga botante sa Nevada ng karapatang lumahok sa mga bukas na pangunahing halalan upang pumili ng mga kandidato para sa pangkalahatang halalan kung saan ang lahat ng mga botante ay maaaring i-ranggo ang natitirang mga kandidato ayon sa kagustuhan para sa mga tanggapan ng mga Senador ng U.S., Mga Kinatawan ng U.S., Gobernador, Tenyente Gobernador, Kalihim ng Estado, Tesorero ng Estado, Kontroler ng Estado, Pangkalahatang Abugado, at mga Mambabatas ng Estado?
Dapat bang amyendahan ang Ordinansa ng Konstitusyon ng Nevada at ang Konstitusyon ng Nevada upang alisin ang wikang nagpapahintulot sa paggamit ng pagkaalipin at sapilitang paggawa bilang isang kriminal na parusa?
Dapat bang amyendahan ang Pagbebenta at Paggamit sa Batas ng buwis ng 1955 upang magbigay ng eksempsyon mula sa mga buwis na ipinataw ng Batas na ito sa mga kabuuang resibo mula sa pagbebenta at ang pag-iimbak, paggamit o iba pang pagkonsumo ng mga diaper?
Dapat bang amyendahin ang Konstitusyon ng Nevada upang lumikha ng pangunahing karapatan ng isang indibidwal sa isang aborsyon, nang walang panghihimasok ng estado o lokal na pamahalaan, sa tuwing ang aborsyon ay isinasagawa ng isang kwalipikadong propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan hanggang sa mabuhay ang pangsanggol o kapag kinakailangan upang maprotektahan ang kalusugan o buhay ng buntis na indibidwal sa anumang punto sa panahon ng pagbubuntis?
Dapat bang amyendahan ang Konstitusyon ng Nevada upang hilingin sa mga botante na magpakita ng mayroong larawan ng pagkakakilanlan upang mapatunayan ang kanilang pagkakakilanlan kapag bumoboto nang personal o magbigay ng ilang personal na impormasyon upang mapatunayan ang kanilang pagkakakilanlan kapag bumoto sa pamamagitan ng koreong balota?
TANONG NUM. 1
¿Deberá la Ciudad de Boulder City gastar una cantidad total que no exceda los Nueve Millones de dólares ($9,000,000.00) de los fondos disponibles actualmente en el Fondo de Mejora de Capital que está financiado por las ganancias de la venta y el arrendamiento de predios de la Ciudad además de los Siete Millones de dólares ($7,000,000.00) previamente aprobados por los votantes en 2021 para un proyecto recreativo de piscinas?
LUNGSOD NG HENDERSON
TANONG NUM. 1
Dapat bang pahintulutan ang Lungsod ng Henderson na magpataw ng karagdagang buwis ng ari-arian na $.06 sa bawat $100 na tinasang halaga sa loob ng 30 taon, na magsisimula sa Hulyo 1, 2025, para sa layuning mapahusay ang kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng pagpapabilis sa pagtugon, kabilang ang mga pang-emerhensiyang medikal na serbisyo sa Departamento ng Bumbero ng Henderson? Ang isang boto na OO, ay nagbibigay ng pahintulot hanggang $27,500,000 para sa pangkalahatang obligasyon sa bono sa layuning pagpapatayo ng mga bagong pasilidad at modernisasyon ng mga kasalukuyang pasilidad, at magbibigay ng karagdagang kita na magagamit para suportahan ang mga operasyon, pagpapanatili, mga tauhan, at pangangailangan sa kagamitan ng Departamento ng Bumbero ng Henderson. Para sa mga may-ari ng bahay na nagkakahalaga ng $100,000 ang kabuuang pagpapataw ay tinatantyang magreresulta ng karaniwang pagtaas sa buwis ng ari-arian na humigit-kumulang $21 bawat taon. Ang anumang buwis ng ari-arian na ipinataw bilang awtorisadad sa pamamagitan ng tanong na ito ay ibubukod mula sa mga limitasyon sa buwis na itinakda ng lehislatura noong 2005 na sesyon kung maaprubahan ito.
ESPESYAL NA PANUKALA PARA SA ELEKTIBONG BUWIS NG MGA PAMPUBLIKONG AKLATAN NG DISTRITO NG HENDERSON:
Dapat bang pahintulutan ang Lupon ng mga Katiwala ng mga Pampublikong Aklatan ng Distrito ng Henderson na magpataw ng karagdagang antas ng buwis sa ari-arian para sa mga layunin ng aklatan, kabilang ang, nang walang limitasyon, pagpapatakbo at pagpapanatili ng mga pasilidad ng aklatan, at pagkuha, pagtatayo, pagsasaayos at pagpapahusay ng mga pasilidad ng aklatan, sa halagang hanggang dalawang sentimo bawat $100 ng tinasang halaga sa loob ng hanggang 30 taon simula Hulyo 1, 2025? Ang gastos para sa may-ari ng bagong $100,000 na bahay ay tantiyadong hanggang $7 bawat taon. Kung ang tanong na ito ay inaprubahan ng mga botante, ang anumang buwis sa ari-arian na ipinapataw ayon sa awtorisasyon ng tanong na ito ay lampas sa mga limitasyon sa pananagutan ng isang nagbabayad ng buwis para sa mga buwis sa ari-arian (ad valorem) na itinatag ng lehislaturang sesyon noong 2005.
Mga Lokasyon na Paghuhulugan ng Koreong Balota at Impormasyon sa Pagsubaybay
Koreong Balota Preference FormGamitin ang form na ito upang mag-opt out sa awtomatikong pagtanggap ng koreong balota at upang mag-opt in muli kung dati ka nang nag-opt out.
- PDF "Koreong Balota Preference Form" (upang i-print, kumpletuhin, at ipadala sa pamamagitan ng koreo)
- Elektronikong Online " Koreong Balota Preference Form" (Mag log-in sa Kalihim ng Estado na "Mga Serbisyo para sa Rehistradong Botante")
Nakabidyo na Impormasyon tungkol sa Pagboto sa Koreong Balota
Pangkalahatang Impormasyon tungkol sa Koreong Balota Mga Tip sa Koreong Balota
Datos